by: KatipuNurse Magdiwang
Isa akong bagong nurse na nakapagtapos sa isang malaking Unibersidad dito sa Pilipinas. Ang pagtatapos ko bilang isang nurse ay siyang tanging pinangarap ko sa loob ng apat na taong pag-aaral. Sa wakas ang lahat ng aking mga paghihirap, mga gabing walang tulog, kasabay ng pagsusumikap ng aking mga magulang, mabayaran lamang ang aking tuwisyon sa paaralan: lahat ng ito’y matatapos na pagkat natapos ko na ang Nursing. Ito and aking pagkakaalam noon………
Sa lumipas na mga taon, halos lahat ng mga magulang ay nagnanais na kahit isa man lamang sa kanilang mga anak ay makapagtapos ng kursong Nursing. Naging napakatunog ng kursong Nursing sapagkat ito ang nagsisilbing kasagutan sa pagnanais ng karamihan upang makaluwas ng bansa. Ang kagustuhang makapagtrabaho at kumita ng dolyar sa Amerika ay siyang naghimok sa karamihan upang mag-aral ng Nursing at maging isang Nurse. Kahit ang mga nakapagtapos na ng ibang kurso any nagpumilit at pinagsiksikan ang sarili sa Nursing. Lahat ay umaasang kikita ng malaki dahil sa Nursing. Marahil lahat ay aasa na lamang…….
Matapos na makapagtapos ng kursong Nursing, inabot ako ng ilang buwan upang mkapag-review sa paparating ng Board Exam para sa mga nurse. Hanggat maari gusto kong mapabilang sa mga Topnotcher noon. Naalala ko pa ang mga Review Center na nagsulputang wari’y mga kabute. Kanya-kanya silang “gimik”, makaakit lamang ng mga estudyanteng Nurse para magreview. Talagang magandang pagkakitaan ang mga nurse.
Puspusang review ang ginawa ko noon na halos mapuyat ako gabi-gabi, kasabay ng pagpili ko sa pinkarespetadong Review Center. Talagang napakagastos kumuha ng kursong Nursing. Ang Nursing na marahil ang isa sa may pinakamalaking tuition fee sa lahat ng kursong nagtatagal ng 4 na taon ditto sa Pilipinas. Matapos nito, sila ay mgrereview para sa Board Exam at kukuha ng sandamukal na mga seninar at training, sa pag-asang makakakuha ng trabaho sa ospital.
Matapos makakuha ng Board Exam, karamihan sa mga kakilala ko’y nakipagsapalaran sa mga Call Center habang naghihintay ng resulta ng Board Exam. Dumating and resulta ng Board Exam, nakapanumpa na ang libu-libong mga bagong nurse; lahat ay umaasang makakapagtrabaho na’t maibabalik nila ang paghihirap ng kanilang mga magulang. Sinubukan ko kaagad na maghanap ng trabaho sa lahat ng ospital na makikita ko; pribado man o pampubliko. Naaalala kong maaplyan ang halos lahat na atang ospital sa kalakhang Maynila. Nag-aaply parin ako hanggang sa ngayon.
Kumuha din ako ng pagkarami-raming mga training sa paniniwalang ito ang magpapaangat sa “resume” ko kumpara sa iba. Kumuha ako ng Intravenous training, Basic Life Support at marami pang iba. Ako ay lubusang umaasa, na ang mga training na ito ang siyang tutulong sa akin upang makapasok sa ospital. Kahit na nagmamahalan ang mga training na ito, pinilit ko paring kunin, kahit na nangungutang na lamang ako, makapagtraining lang, umaasang makakapagtrabaho.
Mahal ko ang Nursing at gusto kong makapagtrabaho bilang isang Nurse, subalit gipit ako sa pera. Marahil karamihan sa mga bagong nurse na katulad ko ay pareho ang napagdadaanan. Hindi ko kakayaning maging isang “Volunteer/Trainee Nurse” kung saan ako pa ang magbabayad sa serbisyong binibigay ko sa mga nagiging pasyente ko. Ito ang kalakaran sa karamihan sa mga ospital ngayon. Tayo pang mga nurse ang nagbabayad sa mga ospital na pinagsisilbihan natin!!!! Hindi ito nangyayari sa ibang bansa, dito lamang sa Pilipinas. Para sa akin ito ay isang pananamantala sa ating mga Nurse. Lagi nalang tayong pinapaasa ng mga ospital na ito. Pinapatay nila tayo sa trabaho, habang ang mga pinapasweldu nilang mga “Staff Nurse”, nakaupo sa Nurse’s Station at nagpapalaki ng kanilang mga tiyan!! Kung inyung mapapansin karamihan sa kanila’y matataba.
Mga kapatid kong batang Nurse, ito ang ating kasalukuyang kalagayan dito sa Pilipinas!! Kahit saan tayo magpunta, iisa lang ang sistema: magbayad ka kasabay ng walang-kapaguran mong pagsisilbi sa amin- anya ng mga ospital. Kung inyong bibilangin ang halaga ng perang kinikita ng mga ospital na ito, maiisip ninyu ang perang hinuhugot nila mula sating mga bulsa. Ang perang produkto ng pang-aabuso nila sa atin! Maisip-isip kayo mga Nurse! Makatarungan ba ang kanilang ginagawa? Kaninu ba umaasa tayong mga batang nurse, matawid lang natin sa gutom an gating mga sarili? Wala bang konsensya ang mga ospital na ito??? Kayo ang humusga.
Anu na lamang ang mangyayari sa ating mga bagong nurse? Katulad ninyu, lahat ng ito’y nararanasan ko sa ngayon. Napakasakit…..
Matapos ang 2 taong pagaaply sa halos lahat ng ospital dito sa Maynila, nagisip-isip ako. Nagsimula na akong maghanap ng ibang pwede pang mapagtrabahuan na malapit sa konsepto ng Nursing. Marami-rami din akong napasukang trabaho: bilang isang trainer ng Basic Life Support sa isang pribadong kumpanya at bilang isang Medical writer. Marami akong pinsok na trabaho, kumita lamang ng pera. Sinubukang ko ding kumuha ng Master’s Degree sa Nursing, para man lamang hindi ko makalimutan ang Nursing. Ginawa ko ito dahil ayaw ko paring isuko ang Nursing….
Magpahanggang sa ngayon patuloy na naghihirap tayong mga nurse. Tayo ay pinagsasamantalahan; pinagkakakitaan. Ako ay naiiyak habang iniisip ko ang mga bagay na ito. Pilit tinatanong ang aking sarili kung bakit ganito; bakit sila ganito? Hindi ba sila nababagabag sa kanilang mga pinaggagagawa?
Hanggang sa mga oras na ito na ako’y nagsusulat, hindi parin ako sumusuko. Patuloy akong naniniwala na makakakuha din ako ng trabaho. Magkakaroon din ng solusyon ang mga problema nating mga nurse. Magsasama tayo! Tayo ang magsimula ng pagbabago. Huwag nating hayaan na patuloy na pairalin ang ganito kasamang sistema. Makiisa kayo! Imulat ang inyong mga mata, pagkat sila ay nagbubulag-bulagan! Hindi nila tayo nararamdaman!
Sana magkaroon tayo ng lakas. Iparinig natin sa kanila ang daing ng mga batang nurse. Ipaalam natin sa kanila ang buhay ng isang batang Nurse...
Salamat KN Magdiwang sa iyong paunang sulat. Ang iyong kwento ay puno ng emosyon at katotohanan. Maraming mga nurses sa bansa ang nakakaranas ng ganito. Umabot na ang statistika ng halos 200,000 na nurses na walang trabaho o may trabahong hindi aangkop sa ating propesyon. Ang bilang na to ay galing na ng PRC at alam nating patuloy itong lalago at dadami sa mga susunod pang buwan dahil hindi naman tumitigil ang pagbibigay ng Board Exams sa mga nakakapagtapos ng Nursing sa bansa.
ReplyDeleteNakakapanlumong isipin na sa dami ng mga nakakaranas ng mga pang-aabuso gaya ng sinapit mo eh hindi makapagsalita dahil maraming takot - takot na punahin at baka ma-ban sa mga ospital. Pero kung patuloy din ang pananahimik, patuloy din ang pang-aabuso. Patuloy ding aapakan ang mga nurses sa kanilang karapatan.
Ipinagdadasal ng KN na sana magising na sa katotohanan ang mga kapwa nating nurses at magsimulang kumilos para matapos na ang kinakaharap na suliranin.
KN IsangDiwa
Opo KN IsangDiwa. Alam ko pong npakaraming mga bagong nurse ang nakakaramdam ng katulad ng aking nararamdaman. Lhat tayo ay biktima ng mga taon mapansamantala!!! Ang mga ospital na ito'y mga mananamantala. Pinagsasamantalahan nila ang kahinaan ng mga kawawang nurse na tulad natin. natatakot tayo sa maaring maging dulot ng ating paglaban para sa hustisya.
ReplyDeleteGumising tayo mga Nurse!!! Tao din tayo subalit hindi tayo tinatratong tao ng mga ospital na ito. Tinatrato nila tayo na parang hindi tayo kumakain at nangangailangan ng pan-araw-araw na panustos sa pangangailangan natin! Manggagawa din tayong mayroong mga karapatan!!! H'wag tayong matakot na ipaglaban ang mga ito!!! hindi tayo nagiisa. Marami tayo! Sumama tayo sa pakikibaka ng KatipuNurse!! Wag tayong matakot!!!!